Tuesday, February 10, 2009

The Struggles of an Artist - ANG MAIPAPAYO KO LANG


Hay buhay artist..... para sa mga artist ang sumikat sa kanilang larangan ang kanilang pinakaaasam... siyempre pa para mangyari yan kailangan mong gumawa ng pangalan sa sarili mo at hindi ka dapat tamad. Minsan talaga yan ang sakit naming mga artist eh,.. yang katam. Kaya ayaw namin sa mga karpintero eh.



Pero seryoso dapat magmasipag eh. Magpipinta lang sila pag nasa mood. Hay eh madalas mahirap mong ma-tiyempuhan yun eh.. kasi andyan ang stress pagod sa school o trabaho, at marami pang iba. Kapos din minsan sa budget pambili ng oil paints na mamahalin saka brush. Kaya minsan nagtatyaga na lng sa Maries at chinese brush na madaling malagas.



Pag me art competition aktibo ka dapat dyan. Patusin mo lahat kahit pambata para me pera ka - un eh kung mananalo ka. Hiraman sa gamit katulad ng pintura at brush. Kapal ng mukha nila no hehe yan ang kalagayan ng mga sumasali na walang dalang gamit....



Anyway



Pag talagang kulang sa pera pambili ng gamit dyan dapat pumasok ang pagiging resourceful mo. Patungan mo ung mga painting mo na panget! hehe pero di ko yan inaadvice ah, pag alang-ala ka talaga yun lang. Mangutang ka pero sigurado mo na babayaran mo yon. Sabihin mo gagawa ka ng piyesa at pag nagawa yon sabihin mong tataas ang presyo non sa hinaharap, mga after 50 years pa!



Sa style mo siyempre ok lang ang manggaya. kasi wala namang artist na original lahat may pinaggayahan kaya lang nag-root out lng sila sa sila nakapag establish ng kani-kanilang style.



Minsan maging sipsip ka sa mga art gallery na kilala mo. matututlungan ka rin nila balang araw. baka i-show ka nila di ba at ilapit sa mga buyer.



Siyempre pag may buyer ka na wag kang maging gahaman sa pera na itataas mo kaagad ang price ng painting mo kahit di ka pa sikat. Ung quality ng painting mo at painting materials dapat tumataas. yan ang hinahanap ng mga art critics eh. Applied yan ah kahit sa mga sculptors.
Maging aware sa mga nangyayari sa art scene dito sa Pinas at sa world lalu na.

D naman masama mangarap pre... Basta masipag ka at maangas! Tapangan mo lang yan!

(image: "Strengthened" by sherwin callejo oil and acrylic on canvas 32 x 46 inches 2007)


No comments:

Post a Comment